Uncategorized

Artistang Artlets stages ‘Prima Facie’

poster with sponsor 1

“Minsan, hindi tunay ang inyong nakikita.”

Inihahandog ng Artistang Artlets, ang opisyal na samahang pang-teatro ng Pakultad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang “Prima Facie” sa panulat ni John Michael Peña.

Walang sikreto ang hindi nabubunyag.

Ang dulang ito ay tungkol sa isang kandidatong tatakbo sana sa pagka-pangulo ngunit sa isang iglap, siya ay binawian ng buhay.Walang nakakaalam kung paano at ano ang ikinamatay niya maliban sa mga taong nakasama niya nang hapunan bago ang pagkamatay niya.

Ang “Prima Facie” ay ayon sa direksyon ni Jennie Ver Gabon at sa pamamahala ni Shaira Joyce Javier. Ito ay ipapalabas sa Oktubre 27, 28, at 29, 2015 sa mga oras na 1pm, 3pm, 5pm, at 7pm sa Benavides Auditorium, High School Building, UST

Para sa iba pang mga katanungan, maaaring tawagan o kontakin si Ma.Diane Gundaya sa numerong (09279381150) o Xiayra Mae Magtibay sa numerong (09175977812) o John Gabriel Pe sa numerong (09225383521) o maaari ring bisitahin ang Facebook page na: www.facebook.com/ArtistangArtletsUST.

Sabay sabay nating alamin ang mga pinakatatagong sikreto.

Standard