Personal Experiences, Social Issues

Emosyonal

CJ Corona is emotional

IMAGE SOURCE Kevin dela Cruz for Abante Online

Para akong asong nakarinig ng kaluskos nang marinig ang balita tungkol kay Chief Justice Corona ilang araw na rin ang nakararaan. Naging emosyonal daw ang punong mahistrado sa harap ng kanyang mga taga-suporta na nagdaos ng rally sa harap ng gusali ng Supreme Court. Hindi naman talaga ako mahilig manood ng balita sa TV at hindi ko sinusubaybayan ang proceedings ng impeachment trial sa senado, pero noong hapong iyon, nang naging laman ng mga balita ang emosyonal na mahistrado, palipat-lipat ako ng channel.

Hindi, hindi ako gaanong interesadong makita ang punong mahistrado, isa sa pinakamakakapangyarihang tao sa pamahalaan, ang malabathalang tagapagbigay ng hatol, na nagiging emosyonal. Mas interesado ako sa headline ng mga newscasts. Ewan ko kung nag-usap-usap ba ang mga writers sa iba’t-ibang istasyon at nagkaisa silang isang salita lang ang gamitin upang ilarawan si CJ Corona, dahil halos lahat yata ng headlines sa lahat ng istasyon, ganito ang sinasabi: CJ Corona, naging emosyonal sa harap ng mga taga-suporta. Katulad nito.

Ang ipinagtataka ko, sa dami ng maaring salitang gamitin, bakit emosyonal pa ang napiling gamitin ng mga newscast writers. Bakit hindi na lang “naiyak” o “napaluha”? Iyon naman talaga ang nangyari kay Corona, at may mga video na magpapatunay dito.

Hindi ito ang unang beses na narinig kong gamitin sa mga newscasts ang salitang emosyonal. Madalas, naririnig ko ito sa tuwing may bagyo, baha, landslide, sunog, o kahit anong sakuna. “Naging emosyonal si Aling Bebang habang ikinukuwento ang pagkawala ng kanyang limang-taong-gulang na anak nang bumaha nang matindi.” (Ang mga salitang water world at kalunos-lunos ang top 2 at 3 sa mga pinakamadalas gamiting salita sa mga balitang sakuna) Syempre, naririnig ko rin ito kapag may isang artistang nakipagbreak sa kanyang boyfriend o girlfriend. “KC, emosyonal sa interview ni Boy Abunda.”

Maraming uri ng emosyon, at sa pagsulat ng balita, kailangang tiyak at accurate ang facts. Sa paglalarawan ng damdamin,wala nang mas lalabo pa sa salitang emosyonal. Anong emosyon ba talaga ang tinutukoy ng emosyonal? Saya, lungkot, pighati, galit, o deadma?

Advertisements
Standard

3 thoughts on “Emosyonal

Speak your mind!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s